Magkakasunod na tinawid nina Ronald Lomotos (gitna), Junrey Navarra (kaliwa) at El Joshua Cariño (kanan) ng Navy ang finish line sa Stage Four kahapon.
Ernie Peñaredondo
Lomotos umarangkada sa Stage Four
Nilda Moreno (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY – Hindi inaksaya ni Ronald Lomotos ng Standard In­surance-Navy ang pagka­kataong ibangon ang kanyang pangalan sa local cy­cling.

Kaya naman ipinakita ng 25-anyos na si Lomo­tos ang kanyang tikas upang sikwatin ang pana­lo sa Stage Four ng LBC Ronda Pilipinas na nagsi­mula sa Daet, Camarines Sur at nagtapos dito kaha­pon.

Inamin ni Lomotos na nadapa at sumadsad ang kanyang pangalan ng ma-disqualified siya sa karera noong 2018 edition kaya bago umarangkada ang 10-stage event ay nasa isip na niyang bumawi ngayong taon.

“Kailangang may maputanayan ako kaya pi­nur­sige ko talaga. Gusto kong bumawi kasi ‘yung pangalan ko sa cycling wala na eh. Down na talaga,” kuwento ni Lomotos.

Nakamit ni Lomotos ang pangalawa ni­yang stage win sapul nang su­mali sa LBC Ronda Pilipinas noong 2014.

Nagtala ang tubong San Felipe, Zambales na si Lomotos ng tiyempong apat na oras, 56 minuto at 28 segundo sa naturang 205.5-kilometer race.

Nakasabay niyang du­­mating sa meta ang kanyang mga teammates na sina Junrey Navarra at El Joshua Cariño na tumapos bilang No. 2 at No. 3, ayon sa pagkakasunod..

Samantala, nahubaran ng Red Jersey si Stage Three winner Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It nang hindi nakapasok sa Top 20 finishers.

Muling naagaw ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang overall individual classification.

Nakalikom ang 24-anyos na si Bordeos ng 14 oras, 41 minuto at 17 segundo matapos ang apat na stages.

Umangat sa No. 2 ng IC si George Oconer ng Navy, pangatlo at pang-apat sina 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Phi­lippines riders Rustom Lim at Marcelo Felipe, ayon sa pagkakasunod, ha­bang lumagpak sa fifth place si Aquino.

Isusuot ni Bordeos ang Red Jersey paglarga ng 128.5-km. Lucena-An­­tipolo Stage Five.

CY­CLING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with