Pacquiao pipiliin si Garcia sa kanyang pagdedepensa sa WBA welterweight belt
Chris Co (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Usap-usapan na ang posibleng pagharap ni eight-division world champion Manny Pacquiao kay Mikey Garcia sa kanyang susunod na la­ban.

Bagama’t wala pang pormal na anunsyo ay maugong ang pangalan ni Garcia sa inaasahang pipiliin ng kampo ni Pacquiao sa kanyang World Boxing Association welterweight title defense.

Matagal nang panga­rap ni Garcia na makaha­rap si Pacquiao na itinuturing niyang isang bo­xing le­gend.

Madalas bukambibig ni Garcia ang pangalan ni Pacquiao.

Kaya naman nais ni Garcia na samantalahin ang pagkakataong ito sa­kaling matuloy ang inaa­sam na ‘dream fight’ niya kontra kay Pacquiao.

“There’s a lot of buzz going around on a poten­tial Manny Pacquiao fight. It’s a fight that’s been brought up for years. Now it’s starting to pick up a lot of steam,” pahayag ni Garcia sa kanyang naunang panayam sa Boxing Scene.

Sa ngayon ay sesentro muna ang atensyon ni Garcia para sa kanyang na­lalapit na laban.

Haharapin ni Garcia si Jessie Vargas sa Pebrero 29 sa Ford Center sa The Star, Frisco sa Texas, USA.

Kailangan ni Garcia na makuha ang impresibong panalo upang mas lalong lumakas ang pag-asa niyang makasagu­pa si Pacquiao sa isang me­ga fight.

“If I look forward to bigger fights, and the biggest fight for me is Manny Pacquiao,” sabi pa ni Garcia.

Matagal ding nagka­sama sina Garcia at Pacquiao sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.

Subalit walang naika­sang laban si Arum sa pa­gitan ng dalawang mahusay na boksingero.

“When we were both at Top Rank, they brought up the idea of pos­sibly getting in the ring with Manny. I loved the idea, but it never really happened. My litigation of Top Rank put all those plans to the side,” hina­yang na wika ni Garcia.

Wala pang desisyon ang kampo ni Pacquiao kung si Garcia ang ka­ni­lang pipiliin para sa su­su­nod na laban.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with