^

PM Sports

Aquino hinablot ang Red Jersey

Nilda Moreno - Pang-masa
Aquino hinablot ang Red Jersey
Ang pagtawid ni Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It sa finish line sa Stage Three.
Ernie Peñaredondo

NAGA CITY – Du­ma­ting na ang araw na pi­nakahihintay ni Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It.

Ito ay ang maisuot ang Red Jersey.

Bumanat sa hu­ling 200 metro ng karera ang 27-anyos na si Aquino para sikwatin ang panalo sa Stage Three ng LBC Ronda Pilipinas 2020 na nagsimula sa Legas­pi City at nagtapos sa Pa­nga­niban Drive.

Inirehistro ng tubong Makati City ang dalawang oras, 47 minuto at 12 segundo sa 119 km. race sapat para maagaw ang overall individual classification kay Stage One winner Mark Julius Bor­deos ng Bicycology Shop-Army.

Aminado si Aquino na magiging mainit ang mga mata sa kanya sa pag­larga ng Stage Four Daet-Lucena nga­yon.

Ngunit hangad lamang ni­yang maisuot ang Red Jersey.

“Okay lang kahit ma­agaw agad nila, ang importante naisuot ko na itong red jersey, first time ko po eh,” ani Aquino na nakuha rin ang unang stage win sapul nang su­mali sa Ronda.

Nakalaban ni Aquino sa kaskasan sina Ronnel Hualda ng Go For Gold, Do­minic Perez ng Army at Aidan James Mendoza ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Ayon pa kay Aquino, napansin niyang mahigpit ang bantayan ng Standard Insurance-Navy at 7Ele­ven kaya sinamantala ni­ya ito upang makalusot sa mga tigasing siklista.

“Pinanood lang namin sila (711 at PNSI) kasi sila ‘yung naglalaban eh. Sumunod lang kami sa likod. Nang pumatag ‘yun talagang pinaghandaan namin,” ani Aquino.

Pangalawang duma­ting si Hualda, tersero si Perez, pang-apat si Men­doza at pang-lima si Morales sa event na su­portado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangili­nan Sports Foundation ka­sama ang Versa, 8A Per­formance, Print2Go, Petron, Green Pla­net, Bike Xtreme, Standard In­surance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, May­nilad, 3Q Sports Event Ma­nagement Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Matapos ang tatlong stages, nalikom ni Aquino ang siyam na oras, 43 minuto at 39 segundo.

Ang mga nasa Top 10 ay sina No. 2 si Bor­deos, No. 3 George Oco­ner ng Navy, No. 4 Rustom Lim, No. 5 Mark Galedo, No. 6 Mendoza, No. 7 Mar­celo Felipe, No. 8 Mer­vin Corpuz ng 7Eleven riders, No. 9 Alvin Benosa ng Celeste Cycles at No. 10 Jester Neil Mendoza ng Army.

vuukle comment

LBC RONDA PILIPINAS 2020

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with