^

PM Sports

Orcollo inupuan ang No. 1 spot sa world rankings

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inokupahan kaagad ni dating world champion Dennis Orcollo ang No. 1 spot sa Az Billiards Money Maker world rankings matapos makalikom ng tumatagin­ting na $53,750 papremyo.

Dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas ngunit nalampasan na ni Orcollo ang kanyang kabuuang $35,520 na kinita sa buong season ng 2019.

Nakuha ni Orcollo ang pinakamalaking tipak ng kanyang prize money mula sa 2020 Derby City Classic kung saan nasungkit niya ang Master of the Table crown para ibulsa ang $20,000 sa Elizabeth, Indiana.

Nakakuha pa ng karagdagang $16,000 si Orcollo sa kanyang kampeonato sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Banks Division, habang may tig-$4,000 siyang nahablot nang mamayagpag sa 2020 Midnight Madness sa Madison, Tennessee at 2020 Annual Texas 10-Ball Open sa Round Rock, Texas.

Sa katunayan, limang Pinoy ang nasa Top 10 ng world rankings.

Nasa ikatlo si Lee Vann Corteza na may $26,000, habang pang-pito si James Aranas ($10,790), ika-siyam si Francisco Bustamante ($9,440) at pang-10 si Filipino-Canadian Alex Pagulayan ($9,440).

Si Corteza ang nagkampeon sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Division para makuha ang $16,000 premyo at pumangalawa siya sa 2020 Derby City Classic Bigfoot Challenge para magkasya sa $8,000 konsolasyon.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with