CJ Perez walang kapaguran
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga kay CJ “The Baby Beast” Perez matapos sumalang sa isang misyon kahapon.

Kababalik lamang ng bansa matapos maglaro pa­ra sa Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kontra sa Indo­nesia kamakalawa ng ga­bi, sumabak kaagad si Pe­rez sa ensayo ng Gilas 3x3 team sa Ronac Gym.

Kasalukuyang naghahanda ang 3x3 Nationals para sa 2020 FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Mar­so 18-22 sa India.

Hangarin ng bansa na ma­kapasok sa top 3 para makaabante sa 2020 Tok­yo Olympics kung saan ipa­pakilala ang 3x3 discipline bilang medal sport sa unang pagkakataon.

Sinamahan ni Perez ang iba pang 3x3 team mem­bers na sina Moala Tau­tuaa, Alvin Pasaol at Jo­shua Munzon at ang reserbang sina Karl De­hesa at Leonard Santillan.

Ginagabayan ang koponan ni Stefan Stojacic, ang batikang Serbian pla­yer at ngayon ay magsi­silbing Philippine team head coach.

Wala pang 12 oras ang pahinga ni Perez na siyang naging malaking tulong sa malaking 100-70 panalo ng Gilas kontra sa In­donesia noong Linggo.

Nagtala si Perez ng 11 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 4 steals sa 30-point win ng Nationals sa first window.

CJ PEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with