Mga fans nagpaalam kina Kobe at Gianna
(Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

LOS ANGELES — Libu-libong nagluluksa ang nagtungo rito sa Sta­ples Center para magpa­alam kina Kobe at Gian­na Bryant.

Pararangalan ang basketball superstar at ang kanyang 13-anyos na anak sa isang public me­mo­rial sa arena kung saan naglaro si Bryant para sa Los Angeles Lakers.

Namatay ang 41-an­yos na si Bryant at si Gian­na kasama ang pitong iba pa sa helicopter crash noong Enero 26.

Ang “Celebration of Life” ay magtatampok sa pagpapahalaga ng mga spea­kers sa nagawa ni Bryant sa basketball at sa buong mundo.

Kasabay ng musika ay ang pagpapalabas sa mga on-court achievements ni Bryant.

Naging aktibo rin siya sa film, television at pagsusulat matapos magreti­ro sa NBA noong 2016.

Inaasahang dadalo ang pamilya at mga kaibi­gan ni Bryant bukod sa mga sports greats at mga major figures.

Sold out na ang tiket sa Staples Center para sa public memorial.

Ang malilikom na sa­la­pi mula sa ticket sales ay ibibigay sa Mamba and Mambacita Sports Foundation.

GIANNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with