^

PM Sports

Santisima bigong maagaw ang titulo kay Navarrete

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo si Pinoy pride Jeo Santisima na maagaw ang korona matapos lumasap ng 11th-round technical knockout loss kay reigning World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Emanuel Navarrete ng Mexico kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nagawang makipagsabayan ni Santisima sa laban kung saan nagpakawala rin ito ng malalakas na suntok at solidong kumbinasyon para pahirapan ang Mexican pug.

Subalit unti-unting inilabas ni Navarrete ang world-class style nito nang pakawalan nito ang mata-talim na atake na lubos na nagpahirap kay Santisima.

Hindi na nakasabay si Santisma sa 11th round dahilan para itigil na ng referee ang laban at tuluyang ipaubaya sa Mexican fighter ang matagumpay na pagdepensa sa titulo.

Naputol ang 17-match winning streak ni Santisima na nahulog sa 19-3 rekord.

Sa kabila ng kabiguan, umani si Santisima ng papuri sa mga boxing analyst dahil nagawa nitong mapaabot sa 11 rounds ang laban kontra sa world champion na si Navarrete.

Umangat sa 4-0 ang rekord ni Navarrete laban sa Pinoy fighters.

Una na nitong tinalo sina Juan Miguel Elorte na (2019), Glenn Porras (2018) at Jhon Gemino (2017).

Gumanda ang rekord ni Navarrete sa 30-1 tampok ang 27 knockouts.

vuukle comment

WORLD BOXING ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with