Ben Simmons kailangang suriin ang lower back
PHILADELPHIA -- Nangangamba sa pagkakaroon niya ng malubhang injury, isasalim ng ng 76ers si star guard Ben Simmons sa isang MRI para tignan ang kanyang lower back.
Iniwanan ni Simmons ang Sixers sa 98-119 kabiguan sa Milwaukee Bucks matapos malasap ang nasabing injury sa first quarter.
Sinabi ng ilang sources na emosyunal si Simmons nang lumabas mula sa X-ray room sa Fiserv Forum.
Tumapos si Simmons na may 5 points at 2 rebounds.
Nauna nang hindi nakapaglaro si Simmons sa panalo ng Sixers kontra sa Brooklyn Nets noong Huwebes bunga ng lower back soreness.
Nagtala si Simmons ng mga averages na 16.9 points, 7.9 rebounds at 8.3 assists para sa Philadelphia ngayong season.
Kasalukuyang nakaupo ang 76ers sa fifth spot sa Eastern Conference.
- Latest