^

PM Sports

Gilas Pilipinas sasalang na vs indonesia

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas Pilipinas sasalang na vs indonesia

MANILA, Philippines — Gumuhit ng unang panalo ang pakay ng bagong-bihis na Gilas Pilipinas sa pagsugod nito sa Mahaka Arena sa Jakarta upang harapin ang Indonesia sa pagsisimula ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Aarangkada ang sagupaan sa alas-7 ng gabi kung kailan nais ng Nationals na masamahan sa tuktok na Group A ang South Korea.

Nauna nang tinambakan ng SoKor ang Indonesia, 109-76 sa unang laban kamakalawa na ginanap din sa Jakarta.

Hangarin ng Gilas sa pangunguna ni interim coach Mark Dickel at national team program director Tab Baldwin na maduplika ang panalo ng SoKor para sa magandang panimula bago ang kanilang paghaharap sa second window sa Nobyembre.

Upang magawa ito, sasandal ang Gilas sa mga beteranong sina Kiefer Ravena, CJ Perez, Poy Erram, Troy Rosario, RR Pogoy, Justin Chua at Abu Tratter.

Kasama rin nila ang mga young guns na sina Thirdy Ravena, Juan Gomez De Liano, Dwight Ramos, Isaac Go at Matt Nieto na siyang nakasabit sa final roster mula sa original na 24-man training pool.

Maliban kina Ravena, Erram, Rosario, Perez at Pogoy, ito ang magi-ging unang salang sa international stage ng mga bagong Gilas players.

Misyon nilang maulit ang madaling 97-70 panalo ng Gilas kontra sa Indonesia sa semifinals ng 2019 SEA Games na pinagwagian ng bansa noong Disyembre.

Paborito ang Nationals na magawa ito lalo’t hindi makakasama ng Indonesians ang pambato nilang si dating Colum-bian import Lester Prosper na ‘di umabot ang ‘naturalization papers para sa first window ng Asia Cup Qualifiers.

Bagama’t wala si Prosper, palaban pa rin ang Indonesia lalo’t mamanduhan ito ng dating Gilas coach na si Rajko Toroman.

Tatrangko sa Indonesia sina Abraham Damar Grahita, Andakara Prastawa Dhyaksa at Kevin Yonas Sitorus na nagtala ng 25, 14 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod, sa ma-laking kabiguan nila kontra sa SoKor.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with