^

PM Sports

Lakers wagi sa Grizzlies

Pang-masa
Lakers wagi sa Grizzlies

LOS ANGELES — Humataw si LeBron James ng 32 points habang naipagpag ni Anthony Davis ang banta ng injury at kumamada ng 28 points at 13 rebounds sa 117-105 paggupo ng Lakers sa Memphis Grizzlies.

Nagtala si Avery Bradley ng 14 points para sa Western Conference-leading na Lakers na naisuko ang 25-point lead sa Grizzlies.

Naglista naman si Davis ng 14 points at 7 rebounds sa fourth quarter para tuluyan nang pagandahin ng Lakers ang kanilang baraha sa 42-12 para sa ikaapat na sunod na ratsada.

Nagpasabog naman si Josh Jackson ng season-high na 20 points sa ikalawang dikit na pagkatalo ng Memphis sa California at tumapos si Ja Morant na may 17 points.

Nagkaroon si Davis ng bruised right calf sa first period at dumiretso sa kanilang locker room bago nagbalik sa second quarter kung saan siya humataw ng 24 points sa second half.

Sa Orlando, hindi nakumpleto ni star guard Luka Doncic ang isang triple-double matapos kumolekta ng 33 points, 10 rebounds at 8 assists sa 122-106 pagsagasa ng Dallas Mavericks sa Magic.

Nagdagdag si Maxi Kleber ng career-high 26 points mula sa bench para sa 19-8 road record ng Mavericks ngayong season.

Kumolekta naman si Kristaps Porzingis ng 24 points at 10 rebounds habang may 16 markers si Tim Hardaway Jr. para sa Dallas na nagtala ng 18-point lead sa third period bago naagaw ng Orlando ang 69-68 abante.

Pinamunuan ni Evan Fournier ang Magic sa kanyang 28 points at nag-lista si Nikola Vucevic ng 27 points at 12 rebounds habang may 19 markers si Terrence Ross.

Sa Portand, kumamada si top rookie Zion Williamson ng 25 points para tulungan ang New Orleans Pelicans sa128-115 paggupo sa Trail Blazers.

Ito ang ika-11 laro ng No. 1 draft pick matapos ang right knee injury na nagpaupo sa kanya unang bahagi ng season.

Naglaro naman ang Blazers na wala si Damian Lillard na may groin injury.

Sa Toronto, nagsumite si Pascal Siakam ng 37 points at 12 rebounds para banderahan ang 118-101 pagpapalubog ng Raptors sa Phoenix Suns.

Ito ang ika-18 panalo ng Toronto sa huli nilang 17 laban.

 

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with