Gilas Pilipinas susugod na sa indonesia
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ang totoong misyon ng bagong-bihis na Gilas Pilipinas para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Lumipad na kagabi ang Nationals patungo sa Jakarta para sa kanilang unang sabak sa international stage ngayong taon. Huling sumalang ang koponan sa 2019 SEA Games noong nakaraang Disyembre.

Haharapin ng Gilas ang host na Indonesia bukas sa Mahaka Arena para buksan ang bagong kabanata sa national team sa pa-ngunguna ni interim coach Mark Dickel at program director Tab Baldwin.

At mula sa halos isang buwang pagsasanay, handa na aniya ang koponan sa pahirapang laban kontra sa Indonesians na nakasandal sa malakas na homecrowd.

Bagama’t paboritong magwagi sa mga kalaban, nagbabala si Dickel na hindi magiging madali na mailista ang unang panalo sa Group A kung saan kasama rin ang South Korea at Thailand.

Nakansela ang unang laban sana nila kamakalawa ng gabi kontra sa Thailand sa Smart-Araneta Coliseum ayon sa utos ng FIBA dahil sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Kahit wala ang pambatong si Lester Prosper na hindi umabot ang na-turalization process, palaban pa rin ang Indonesia sa pamumuno ni dating Gilas coach Rajko Toroman, ayon kay Dickel.

“They’re really disciplined. They’re well-coached. They’ve proven to be tough opponent,” ani Dickel.

Tinutukoy ng TNT active consultant ang na-ging kampanya ng Indonesia sa 2019 SEAG na bagama’t natalo sila kontra sa solidong Gilas na binubuo ng PBA players, 70-97 ay nakasabay pa rin sila sa unang bahagi.

Ngayon, masusubok ang bagong Gilas team kung maipapagpag din ba nila ang unti-unting luma-lakas na Southeast Asian neighbor ng Pinas.

Upang magawa ito ay aatasan ni Dickel ang kanyang mga beteranong sina Kiefer Ravena, Poy Erram, Troy Rosario, RR Pogoy, CJ Perez, Justin Chua at Abu Tratter mula sa PBA kasama ang mga bagitong sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Juan Gomez De Liaño, Isaac Go at Matt Nieto.

Samantala sa unang mga laban ng first window, sinilat ng New Zealand ang Australia, 108-98, sa Group C; tinambakan ng South Korea ang Indonesia, 109-76; pinaluhod ng Iran ang Syria, 94-48; at inungusan ng Saudi ang Qatar, 67-58.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with