Mahirap nang lapitan si Kai Sotto?
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Pataas nang pataas ang valor ni Kai Sotto sa kanyang US training at maaaring siya na nga ang unang homegrown Filipino player na makamit ang NBA dream.

Lagi siyang isa sa mga topnotch performers sa mga training camps o mini tournaments na kanyang iniikutan – pagpapatunay ng kanyang patuloy na improvement sa kanyang paglalaro.

Nagkakandarapa na ang maraming panguna-hing US NCAA Division I schools sa pag-iimbita kay Sotto na ikonsidera ang kanilang collegiate programs. Nariyan ang Georgia, DePaul U, Georgia Tech, Kentucky, Auburn at Boston College.

Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Atlanta-based prep program na The Skills Factory (TSF) National ang 7-foot-1 wonderkind na kumuha ng atensyon sa isa sa sidelights ng katatapos na 2020 NBA All-Star Weekend sa Chicago.

Sana ay patuloy na maalagaan ng husto si Kai.

Sana ay manatiling nakatuon sa mithiin, determinasyon at pagpapakumbaba ang batang manlalaro.

At sana ay hindi totoo ang mga bulung-bulu-ngan na kasabay ng pagtaas ng valor ni Kai ay ang paghirap lapitan o kausapin ang kanyang management group ukol sa kanyang serbisyo sa national youth program.

Hindi na kasi kagaya noon ang paglapit kay Kai dahil may management group ng may hawak sa bata.

Eligible pa para sa kanyang huling FIBA Asia 18-under championship si Kai sa taong ito. Kung malulusutan ang Asian event, eligible din si Kai sa susunod na FIBA World 19-under championship.

Pero dahil nga nasa US na si Kai at napapalibutan ng kanyang handlers, hindi na ganoon ka-simple para hatakin pauwi ng Pinas ang bata.

Sana lang ay mali ang sapantahang ito.

 

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with