NLEX sweep ang pre-season tourney
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinagasaan ng NLEX ang Phoenix, 104-97 upang mawalis ang Phoenix Super Basketball Tournament kahapon sa Upper Deck Sports Center sa Ortigas.

Muling gumiya sa atake ng Road Warriors si JR Quiñahan na tumikada ng 15 puntos, apat na assists at tatlong rebounds habang may 13 at 12 markers sina Philip Paniamogan at Raul Soyud.

Nag-ambag din ng tig-10 puntos sina Kevin Alas at Bong Galanza sa 3-0 sweep ng Road Warriors sa torneong inorganisa ng Fuel Masters upang magsilbing pre-season ng apat na koponan.

Magbubukas na kasi ang 45th PBA Season at 2020 PBA Philippine Cup sa Marso 8 sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagawang pagharian ng NLEX ang torneo kahit pa wala sina Kiefer Ravena at Jericho Cruz bunsod ng kanilang stints sa Gilas Pilipinas at Guam national team, ayon sa pagkakasunod, para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Hindi rin naglaro para sa mga bataan ni coach Yeng Guiao si Poy Erram na nasa sentro ng hindi pa ring naaprubahang trade sa pagitan ng NLEX, Blackwater at Talk ‘N Text.

Nauna nang tinalo ng NLEX ang San Miguel, 103-97 at Alaska, 104-89.

Nauwi sa wala ang 23 puntos ni Jason Perkins para sa Phoenix na nagtapos sa 1-2 kartada.

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with