^

PM Sports

Masisilayan na uli si Gorayeb

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Masisilayan na uli si Gorayeb
Gorayeb

MANILA, Philippines — Inaasahan ang pagbabalik ng multi-titled mentor na si coach Roger Gorayeb sa local volleyball scene upang gabayan ang PLDT Home Fibr Power Hitters sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na papalo sa Pebrero 29.

Ilang buwan ding nawala sa eksena si Go-rayeb matapos magpaga-ling nang ma-diagnose siya ng multiple myeloma, na isang uri ng cancer na nabubuo sa isang uri ng white blood cell ng tao na tinatawag na ‘plasma cell’.

Dahil sa tinamong karamdaman ay nawala ang dating national team coach sa mata ng madla at hindi na nito nasubaybayan ang kampanya ng PLDT sa PSL Invitationals at San Sebastian Lady Stags sa NCAA women’s volleyball.

Ayon kay Power Hitters assistant coach Clint Malazo, unti-unti nang nakakabawi at gumaganda ang lagay ng kalusugan ni Gorayeb kaya’t inaasahan ang kanyang pagbabalik-liga sa Marso.

“Okay naman na siya nagre-recover naman na siya,” sabi ni Malazo. “Pagpasok ng March. Baka sa first game puwede na rin siya. Hindi pa natin alam, hindi pa napag-usapan.”

Dagdag pa ni Malazo, regular ang pagdalo ni Gorayeb sa kanilang training sessions para magbantay dahil hindi pa siya puwedeng sumabak sa mga drills ng koponan.

Isa si Gorayeb sa itinuturing na haligi ng volleyball sa bansa matapos nitong tulungan ang San Sebastian College-Recoletos sa 46 NCAA titles-23 sa women’s, 11 sa juniors at tig-6 sa men’s at beach volleyball.

Siya rin ang nanguna sa kampanya ng Ateneo de Manila University Lady Eagles mula 2008 hanggang 2013 kung saan dinala niya ang tropa sa back-to-back Finals appearance noong season 74 at 75 bago mag-ober da bakod sa National University (NU) noong 2015.

Tatangkain ngayon ng PLDT na alpasan ang bronze medal finish noong 2019 PSL Grand Prix sa pagkawala ng key players nito na sina Gretchel Soltones, Je-rilli Malabanan at Jasmine Nabor.  

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with