^

PM Sports

Irving lalong lumala ang injury sa balikat

Pang-masa
Irving lalong lumala ang injury sa balikat

NEW YORK – Hindi lalaro si Kyrie Irving sa unang game ng Brooklyn pagkatapos ng All-Star Break dahil lumala ang kanyang injury sa kanang balikat na dahilan kaya hindi ito naisalang sa kaagahan ng kasaluku-yang NBA season.

Sinabi ni Nets coach Kenny Atkinson sa mga reporters nitong Martes na kailangang makipagkita si Irving sa isang espesya-lista ngayong linggo para matukoy ang kanyang tunay na kondisyon.

Hindi nakalaro si Irving sa naunang 26-games ng Brooklyn ngayong season. Nagpaturok ito ng cortisone noong December imbes na sumailalim sa arthroscopic surgery bagamat posibleng kailangan din niyang magpaopera ngayon.

Dahil sa pangyaya-ring ito, hindi na naman alam kung kailan maka-kabalik-laro si Irving.

Natengga na rin si Irving dahil sa napu-wersang kanang tuhod. Lumaro lang siya ng 20 sa 53 games ng Nets.

Magbabalik ang Brooklyn mula sa All-Star break nitong Huwebes kontra sa Philadelphia 76ers.

Samantala, nagsi-mula nang makibahagi si Stephen Curry sa drills ng Golden State, isang indikasyon na malapit na ang kanyang pagbabalik sa court.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with