Mo Tautuaa,CJ Perez, Alvin Pasaol at Joshua Munzon
Phl 3x3 team inihayag ng SBP
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagsamang PBA at Chooks-to-Go 3x3 players ang kakatawan ng bansa sa paparating na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa susunod na buwan sa India.

Babandera sa Pilipinas sina CJ Perez ng Columbian at Mo Tautuaa ng San Miguel mula sa PBA gayundin sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon mula sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 League ayon sa anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon.

“It is an honor for the Philippines to be with the top 20 countries vying for seats at the 2020 Tokyo Olympics. We ask our countrymen to rally behind our team in its quest to be part of the Olympiad,” ani SBP President Al Panlilio.

Sina Pasaol at Munzon ang top two 3x3 players ng bansa ngayon at nakasali na sa iba’t ibang international 3x3 tournaments sa nakalipas na taon.

Sina Perez at Tautuaa naman ay bahagi ng Gilas Pilipinas team na umukit ng kasaysayan bilang first 3x3 champion ng SEA Games noong nakaraang Dis-yembre kasama sina Chris Newsome at Jason Perkins.

Sasamahan ang apat na manlalaro nina Leonard Santillan at Karl Dehesa bilang reserve players.

Napili ang mga manlalaro ng selection committee na binubuo nina SBP executive director Sonny Barrios, coaches’ academy director Jong Uichico, 3x3 program director Ronnie Magsanoc, Gilas women director Pat Aquino at Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas Commissioner Eric Altamirano.

Magsisilbing head coach ng Philippine 3x3 team si dating FIBA 3x3 World Tour MVP Stefan Stojacic. Magsisilbi namang trainer si Darko Krsman.

Magaganap ang torneo mula Marso 18-22 sa Bengaluru, India.

Haharang sa daan ng Pilipinas na makabalik sa Olympics ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic sa Pool C.

Tatlong koponan lang mula sa 20-team OQT ang mabibigyan ng tiket sa Tokyo Olympics kung saan ipapakilala bilang medal event ang 3x3 discipline sa unang pagkakataon.

Hangarin ng Pinas na makabalik sa Olympic basketball sa pamamagitan ng 3x3 sa unang beses simula noong 1972 Summe Games sa Munich, Germany.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with