PSL Grand Prix opening walang atrasan
Chris Co (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala nang atrasan ang pagbubukas ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix sa Pebrero 29 sa The Arena sa San Juan City.

Ilang pagbabago ang ipatutupad ng liga sa taong ito.

Sa unang pagkakataon, isang foreign guest player lamang ang maaaring kunin ng bawat koponan hindi tulad ng mga nakalipas na kumperensiya na nagtampok ng dalawa hanggang tatlong guest players.

Mula sa dating tatlong araw na playdates kada linggo, magiging dalawang laro na lamang ito – tuwing Martes at Sabado na lamang.

Gayunpaman, umaatikabong aksiyon pa rin ang inaabangan sa edis-yong ito dahil kaliwa’t kanang rigodon ang naganap sa off season.

Pinakamalakas ang F2 Logistics na desididong mabawi ang korona.

Solido pa rin ang Cargo Movers na lubos pang lumakas sa pagpasok ni Filipino-American Kalei Mau noong nakaraang taon.

Makakasama ni Mau sa kampanya si dating MVP Lindsay Stalzer gayundin sina local standouts Aby Maraño, Majoy Baron, Kim Kianna Dy, Ara Galang, Kim Fajardo at Dawn Macandili.

“Hindi kami nag-eensayo para sa second place. Gusto naming makuha ‘yung title,” ani Cargo Movers assistant coach Noel Orcullo.

Kakayod ng husto ang reigning champion Petron na isa sa mga nabangasan ng key players matapos lumipat sina Mika Reyes at Rhea Dimaculangan habang wala na rin sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons na naka-focus sa beach volley.

Ngunit handa si Ame-rican super import Kath Bell na gawin ang lahat para mapanatili sa Blaze Spikers ang korona.

Inaabangan na rin ang Chery Tiggo (dating Foton) dahil magbabalik-aksyon sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Ma-nabat na parehong galing sa commercial league sa Japan.

Nakuha pa ng Chery si national mainstay My-lene Paat at playmaker Jasmine Nabor.

Maliban sa F2 Logistics, Petron at Chery Tiggo, sasabak din ang Marinerang Pilipina, Cignal, PLDT Home Fibr, Sta. Lucia Realty at Generika-Ayala.  

2020 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with