Magramo vs Nakatani
Chris Co (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila namumuo ang Philippines-Japan rivalry sa mundo ng boksing.

Isa na namang bakbakan ng Pinoy fighter at Japanese pug ang ikinasa kung saan maghaharap sina Giemel Magramo at Junto Nakatani para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown sa Abril 4 sa Tokyo, Japan.

Ito ang ikalawang Philippines-Japan fight sa Abril dahil magtutuos din sina WBO bantamweight champion John Riel Casimero at International Boxing Federation at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Una nang nagtuos sina Inoue at Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series na ginanap sa Saitama, Japan kung saan nanaig ang Japanese pug.

Kaya naman desidido ang mga Pinoy fighters na makabawi sa pagkakataong ito upang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas.

Paglalabanan nina Magramo at Nakatani ang WBO title na iniwan ni Japanese Kosei Tanaka na nagdesisyong umakyat sa super flyweight division laban sa kababayang si Kazuto Ioka.

Umaangat na ang Japan sa mundo ng boksing.

Kasalukuyan itong may limang world titlist kumpara sa apat lamang ng Pilipinas.

Kampeon ng Japan sina Kenshiro Teraji (WBC light flyweight), Hiroto Kyoguchi (WBA light flyweight), Kazuto Ioka (WBO super flyweight), Ryota Murata (WBA middleweight regular champion), at Inoue (WBA, IBF bantamweight).

Anim sana ito kung hindi binitiwan ni Tanaka ang WBO flyweight title.

Sa kabilang banda, ang apat na world champions ng Pilipinas ay sina eight-divisiwon world titlist Manny Pacquiao (WBA welterweight super champion), Pedro Taduran (IBF minimumweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Casimero (WBO bantamweight).

Nakalaban din ni Vic Saludar sina Ryuya Yamanaka at Masataka Taniguchi habang humarap naman si Ancajas kontra kay Ryuichi Funai. Minsan na ring nakatipan ni Donnie Nietes si Kazuto Ioka.

WORLD BOXING ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with