Indonesia, Japan matagumpay ang title defense sa badminton
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagumpay na naidepensa ng Indonesia at Ja­pan ang kanilang mga ti­tulo sa men’s at wo­men’s division ng 2020 Bad­minton Asia Manila Team Championships sa Rizal Memorial Coli­seum.

Dinaig ng Indonesia ang karibal na Malaysia sa finals, 3-1, habang wi­na­lis ng Japan ang Korea, 3-0, para tanghaling hari at reyna ng badminton sa kontinente.

Ito ang ikatlong sunod na men’s title ng Indonesia at back-to-back tro­phies naman ang nakum­pleto ng Japan women’s squad

Bumida sa panalo ng Indonesia sina Mohammad Ahsan at Fajar Al­fian nang walisin sina Ong Yew Sin at Teo Ee Yi, 21-18, 21-17.

Bagama’t nasilat si reigning Asian Games gold medalist Jonatan Christie ni Cheam June Wei, 21-16, 17-21, 24-22, para bigyan ng isang panalo ang Malaysia sa singles’ match, bumawi naman ang kanyang mga kakampi sa sumunod na laban.

Nagwagi si World No. 5 Anthony Ginting kontra kay Lee Zi Jia, 22-20, 21-16, gayundin sina Marcus Gideon at Kevin Sakmuljo kontra kina Aaron Chia at Soh Woo Yik para ma­siguro ang tagumpay.

Sa panig naman ng Japan, namuno sa kanilang tagumpay si Sayaka Ta­ka­hashi na tinambakan si Sung Ji Hyun, 21-16, 21-12, sa unang singles match.

Hindi na rin nagpa­a­wat sina dating No. 1 shuttler Akane Yamagu­chi kontra kay An Se Young, 21-18, 19-21, 23-21, at gayundin sina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota laban kina Lee Seo Hee at Shin Seung Chan, 21-16, 21-16.

Bilang mga semifina­lists ay pasok na rin sa prestihiyosong Thomas Cup ang Japan at Korea sa men’s division kasama ang Indonesia at Malaysia.

2020 BAD­MINTON ASIA MANILA TEAM CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with