^

PM Sports

Alaska, NLEX wagi sa mini tourney

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Alaska at NLEX kontra sa ka­nilang mga katunggali sa pagsisimula ng Super Basketball Tourney ng PBA na inorganisa ng Phoenix Pulse kahapon sa Upper Deck Sports Center.

Dinaig ng Aces ang Phoenix Fuel Masters, 98-87, habang nakatakas ang Road Warriors mula sa San Miguel Beermen, 103-97.

Trumangko sa atake ng Alaska si Vic Manuel at ang bagong saltang si Mike DiGregorio upang makumpleto ang comeback win mula sa 11-point halftime deficit.

Nagtala ng 25 points at 9 rebounds si Manuel at may 13 markers si DiGregorio para sa Aces na naiwan sa 41-52 sa halftime.

Sa likod nina Manuel at DiGregorio katulong si Kevin Racal, may 9 markers, ay nagpakawala ang Alaska ng 28-15 atake sa third quarter.

Hindi na sila muling lu­mingon pa nang itarak ang 16-point lead patungo sa tagumpay.

Nauwi sa wala ang 20 at 15 points nina Jason Per­kins at Justin Chua, ayon sa pagkakasunod, sa pa­nig ng Phoenix.

Sa ikalawang laro, si­namantala ng NLEX ang pilay na Beermen na su­malang sa laro na wala si five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Hindi makakalaro sa buong 2020 PBA Philippine Cup si Fajardo bunsod ng complete fractured right tibia injury.

Apat na manlalaro ang umiskor ng double fi­gures para sa Road Warriors sa pangunguna ni JR Quiñahan na may 14 mar­kers.

May tig-11 points sina Kiefer Ravena at Bong Galanza.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with