^

PM Sports

Memoryang hatid ng NBA All-Stars

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Lubos na kapado o intindido ng mga Filipino ballers ang bagong format sa katatapos na 2020 NBA All-Star Game dahil ito ay larong Pinoy.

Sinungkit nina Kawhi Leonard at ng kanyang mga teammates sa Team LeBron ang race-to-157-point game kontra Team Giannis.

Sa Pinas, walang basketball player na hindi na­ka­laro ng dose-dose o unahan sa veinte quarto. At pag­katapos ay rebanse o rematch.

Ito ang laro noon bago napunta sa straight veinte singko na walang race-to-three overtime.

Namalas din ito noong kapanahunan ni late Butch Maniego bilang technical director sa Philippine Basketball League.

Dahil limitado ang kanilang TV time slot, in-im­ple­ment nila ang race-to-seven-points para ideter­mi­na ang panalo sa overtime.

At para rin laro sa Pinas, kinakitaan ng mara­ming diskusyon sa tawagan ang endgame ng NBA All-Star Game.

“Nagkananaan,” ani Pareng Kandong Pabaya, na biglang naalala ang laro noong araw ng mga ka­totong sina Dennis Alemania, Odie Chua at Ernie Malit.

“Kahit na yelo-yelo lang ang laban, talagang nag­kakananaan. At suntukan na kapag isang fami­ly size na soft drink ang pustahan,” ani Kagawad Dennis.

*****

Ang katanungan ay kung ano naman ang pakulo ng Philippine Basketball Association sa kanilang Season 45 All-Star Game na nakatakda sa Passi, Iloilo.

Malaking tagumpay ang 2019 PBA All-Star Game sa Calasiao, Pangasinan kung saan nakali­kom ng maraming wheelchairs bilang papremyo ng hosts/organizers sa bawat three-point shot at slam dunk na mga All-Star players.

Dahil dito ay maraming napasaya at natulungan ang nakaraang PBA All-Star Game, bagay na nais nilang at least matapatan sa Passi, Iloilo.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with