Derrick Jones Jr.
Jones bagong slam dunk king
(Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Hield, abedayo wagi sa ibang events

CHICAGO — Hindi matanggap ni Orlando Ma­gic forward Aaron Gor­don ang naging resulta ng kanilang duwelo ni Miami Heat forward Derrick Jones Jr. para sa 2020 NBA Slam Dunk Contest kahapon dito sa Uni­ted Center.

Tinalo ni Jones si Gordon, 48-47, sa kanilang fi­nal slams para angkinin ang titulo.

Pumailanlang sa ere si Jones mula sa loob ng foul line para sa kanyang windmill jam gamit ang kaliwang kamay para sa is­kor na 48 points mula sa panel ng limang jud­ges.

Matapos namang ma­kipag-usap kay Hall of Fa­mer Shaquille O’Neal ay dinala ni Gordon si 7-foot-5 Boston Celtics rookie Tacko Fall malapit sa basket.

Hinablot niya ang bo­la mula sa mga kamay ni Fall para sa kanyang dumadagundong na dunk.

Inasahan ng lahat na si­ya ang mananalo.

Ngunit 47 points ang ibinigay sa kan­ya ng mga judges.

“Tallest dude in the gym.” ani Gordon. “Jum­ping over somebo­dy 7-foot-5 and dun­king it, it’s no easy feat. What’d I get, a 47? Come on, man. What are we doing?”

Nauna nang nabigo si Gordon kay Bulls’ star guard Zach LaVine, da­ting naglaro para sa Minnesota Timberwolves, no­­ong 2016 edition.

Nagkita sina Jones Jr. at Gordon sa finals mula sa four-person group na kinabibilangan din nina Milwaukee Bucks swingman Pat Connaughton at Los Angeles Lakers center Dwight Howard.

Samantala, kumamada si Sacramento Kings guard Buddy Hield sa dulo ng final round para ku­nin ang korona ng NBA Three-Point Contest.

Nagsalpak si Hield ng isang two-point mo­ney ball mula sa corner para tumapos na may 27 points at alpasan si Phoenix Suns All-Star Devin Booker na may 26 points sa final round.

Sa All-Star Skills Challenge, binigo ni Mia­mi Heat big man Bam Abe­dayo si Domantas Sa­bonis ng Indiana Pa­cers sa finals.

Nauna nang pinatal­sik ni Abedayo sina 2018 champion Spencer Dinwiddie at Raptors star Pas­cal Siakam sa unang bahagi ng nasabing obs­tacle course.

Sinibak naman ni Sa­bonis sina defending champion Jayson Tatum ng Boston Cesltics at Khris Middleton ng Milwaukee Bucks.

DERRICK JONES JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with