Manny Pacquiao at Conor McGregor
Pacquiao mapapabagsak si McGregor
(Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pa man ang laban ay naniniwala na ang ilang eksperto na hindi uubra kay World Boxing Asso­ciation welterweight champion Manny Pacquiao si Mi­xed Martial Arts king Conor McGregor.

Bumuhos kaagad ang prediksyon mula sa boxing experts at world-class trainers hindi pa man pormal na naikakasa ang bakbakang Pacquiao-McGregor.

Ngunit kung matutuloy ito, naniniwala si veteran boxing Mexican-American trainer Joel Diaz na hindi sasantuhin ng Pinoy champion si McGregor.

Sinabi ni Diaz na hindi uubra si McGregor dahil lutang na lutang ang bagsik ng kamao ni Pacquiao sa kanyang huling dalawang laban noong 2019.

Hindi aniya lalampas ang pitong rounds at posibleng bumagsak si McGregor, ayon pa kay Diaz.

“Manny knocks out Conor. It won’t go past seven rounds, I guarantee you that,” wika ni Diaz sa pana­yam ng EsNews.

Malayung-malayo si Pacquiao kay undefeated Ame­rican fighter Floyd Mayweather, Jr.

Magugunitang nilaro muna ni Mayweather si Mc­Gregor sa kanilang pagtutuos noong Agosto 26, 2017 bago itinarak ang 10th-round knockout win sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Floyd (Mayweather) carried him (Conor McGregor) to give the people a show. Floyd could’ve knocked him out, but the thing is this, you are mixing two different sports MMA and Boxing,” ani Diaz.

May mga nahawakan nang boksingero at MMA fighters si Diaz.

Ipinaliwanag si Diaz na magkaibang-magkaiba ang estilo ng mga boxers kumpara sa MMA fighters.

Sa sparring session ay madalas dominado ng mga boksingero ang mga MMA fighters.

“I have professional boxers and I have MMA fighters and when they’ve sparred each other the bo­xer always dominates the MMA fighter. If we switch the cards and Manny Pacquiao goes into Conor McGregor’s world, it’s a different story. A lot of people want to see that type of circus. It’s a money circus, big money,” sabi ni Diaz.

Lumakas ang tsansang magharap sina Pacquiao at McGregor matapos pumirma ng management con­tract ang Pinoy sa Paradigm Sports Management (PSM) na parehong management group ni McGregor.

Ngunit walang nababanggit si Pacquiao sa posibilidad na makalaban si McGregor.

Target ni Pacquiao na magbalik-aksyon sa Hunyo o Hulyo kung saan sina Errol Spence Jr., Danny Garcia, Mikey Garcia, Shawn Porter at Mayweather ang mga pangunahing kandidato para labanan niya.

(Chris Co)

 

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with