Mga sakripisyo at paghihirap nagbunga para kay Rondina
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang hindi malilimutang 2019 ang minarkahan ni Sisi Rondina ma­tapos banderahan ang Phi­lippine beach volley­ball team sa bronze medal finish sa nakaraang 30th Southeast Asian Games, na naging daan para siya ay tumanggap ng mga pagkilala.

Ang tubong Compostela, Cebu ang napili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) na big­yan ng Ms. Volleyball award sa taunang awards night sa Marso 6 at siya rin ang isa sa mga reci­pient ng 37th SMB-SAC All-Cebu Sports Awardee sa Pebrero 29.

Makakahanay ni Ron­­dina ang mga ipi­nag­ma­malaking volleyball pla­yers sa bansa na pina­ra­ngalan ng PSA kagaya ni Alyssa Valdez na tatlong beses nakamit ang na­turang pa­rangal.

Ang iba pa ay sina Mi­ka Reyes, Jaja Santiago, at Dawn Macandili.

“For me, blessed po ako nang sobra. Hindi ko naman din po inakala na ganito po ang ibabalik sa akin. Minahal ko lang ta­la­ga mga committments ko and siyempre, putting efforts sa lahat ng mga ginagawa ko lalo sa pagla­la­ro po,” sabi ni Rondina.

Bukod sa bronze me­dal finish ay umariba rin si Rondina sa UAAP Sea­son 81 kung saan pi­na­ngunahan niya ang UST Golden Tigresseses sa silver medal at naibulsa niya ang Most Valuable Player award.

Kinatawan din ni Ron­dina ang bansa sa FI­VB Beach Volleyball World Tour 1-Star Boracay Open noong Mayo ka­sama ang kanyang long-time beach volleyball partner na si Bernadeth Pons.

Sa lahat ng mga naka­mit niya sa nagdaang taon ay umaasa si Rondina na magiging instrumento si­ya para maging inspiras­yon sa lahat ng kabataan at sa kapwa niya atleta na may mga hirap na pinagdaanan katulad niya.

Para naman kay Beach Volleyball Repub­lic (BVR) founder at na­tional team manager Cha­ro Soriano, ang pag­ma­mahal sa sports na ki­­­namulatan at pagi­ging matatag sa kabila ng hirap ng buhay ang na­ging puhunan ni Rondina pa­ra marating ang kanyang ki­nalalagyan ngayon.

 

RONDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with