All-Star Game MVP award ipapangalan kay Bryant
(Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

CHICAGO — Ipinangalan ng NBA ang kanilang All-Star Game MVP award kay Kobe Bryant.

Ito ang inihayag kahapon ni NBA Commissio­ner Adam Silver bilang tribute kay Bryant, namatay sa isang helicopter crash kasama ang 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa noong Enero 26.

Si Bryant ang anging pinakabatang player na nag­laro sa All-Star Game sa kanyang debut noong 1998 sa edad na 19-anyos.

Napasama siya sa All-Star team ng 18 beses sa kan­yang 20-year career para sa Los Angeles Lakers kung saan siya nagkaroon ng apat na MVP award.

“Bryant is synonymous with NBA All-Star and em­bodies the spirit of this global celebration of our game,” sabi ni Silver sa NBA great na pumanaw sa edad na 41-anyos.

ALL-STAR GAME MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with