PBA pocket tourney didribol ngayon
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maagang magkakasu­bukan ang apat na kopo­nang NLEX, Phoenix, Alaska at San Miguel sa isang mini-tournament pa­­ra sa nalalapit na PBA Phi­lippine Cup.

Unang sasalang ang Fuel Masters at ang Beermen ngayong alas-10 ng umaga kasunod ang banggaan ng Aces at Road Warriors sa alas-12 ng tanghali.

Gaganapin ang pocket tournament, lalarga hanggang Pebrero 21, sa Upper Deck Sports Center sa Ortigas City.

Ito ang magi­ging ma­laking hamon para sa San Mi­guel na maglala­ro nang wala si big man June Mar Fajardo.

Kasalukuyang nasa re­covery si Fajardo matapos ang matagumpay na surgery sa kanyang complete fracture tibia injury. Inaasahang mawawala si­ya sa buong 2020 PBA Philippine Cup at posibleng umabot pa sa Commissioner’s Cup.

Pilay ding sasabak ang Phoenix matapos sumailalim sa surgeries si­na forward Jake Pascual (ACL) at center Dave Mar­celo (bone spur).

Intact roster naman ang ipaparada ng NLEX sa pangunguna nina Kie­fer Ravena at Poy Erram.

Sasalubong sa kanila ang palabang Alaska sa pamumuno nina Vic Ma­nuel, JVee Casio at Jeron Teng.

 

PBA POCKET TOURNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with