Nadale ang frontline ng Phoenix Fuel Masters
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napilayan ang frontline ng Phoenix Fuel Masters papalapit sa 45th PBA Season.

Nadale kasi ng magkaibang injuries ang dalawang big men nitong sina Jake Pascual at Dave Marcelo na pareho nang sumailalim sa ope-rasyon kahapon.

Tagumpay ang na-ging ACL surgery ni Pascual gayundin ang bone spurs removal ni Marcelo, ayon kay coach Louie Alas.

“Praise God Almighty for successful surgeries of Jake and Dave,” ani Alas.

Nakuha ng Fuel Masters ang San Beda product na si Pascual mula sa Alaska noong nakaraang Disyembre kapalit ang 2020 second round pick upang pa-lakasin sana ang frontcourt nito.

Sa pagkawala ng dalawa, maiiwan na lamang kina Justin Chua, Jason Perkins, Jorey Napoles at JC Intal ang ilalim ng Fuel Masters kasama ang backcourt nina RJ Jazul at Matthew Wright sa papara-ting na Philippine Cup.

Sina Marcelo at Pascual ang pinakabagong big men sa PBA na nagtamo ng malalang injuries matapos ang fractured right tibia injury ni San Miguel center at five-time MVP June Mar Fajardo.

Sa Marso 8 magbubukas ang 2020 PBA Philippine Cup.

Bago iyon, masusubok muna ang Fuel Masters ni coach Louie Alas sa mini-tournament kasama ang San Miguel, NLEX at Alaska mula Pebrero 17 hanggang 21 sa Upper Deck Sports Center.

Sasagupa ang Phoenix kontra sa Beermen sa Lunes habang magbabanggaan naman ang NLEX at Alaska sa unang araw ng serye ng mga tune-up games sa pagitan ng apat na koponan.

 

PHOENIX FUEL MASTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with