Kobe memorial service hindi madudumog ng fans
(Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

LOS ANGELES — Inihayag kahapon ng Lakers na kailangang magpatala ang mga fans para ma-kabili ng tiket sa pagpunta sa memorial service para kay Kobe Bryant at sa kanyang anak na si Gianna sa Pebrero 24 sa Staples Center.

Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng $224 (halos P11,000), dalawa para sa $224 at isa para sa $24.02 na kumbinasyon ng mga numero para sa petsang 2/24.

Ang No. 24 ay jersey number ni Bryant sa La-kers at ang No. 2 ay numero ni Gianna sa kanyang girls basketball team.

Ang mga ticket sales ay ibibigay sa Mamba at Mambacita Sports Foundation. Sinabi ng Ticketmaster Verified Fan system na ang mga registered fans ay makakatanggap ng emails na may non-transferable personal access codes para makasali sila sa public sale sa Miyerkules ng umaga.

Para maiwasan ang nangyaring pagdagsa ng mga fans sa Staples matapos ang pagkamatay ni Bryant, sinabi ng Lakers na hindi mapapanood ang memorial sa exterior video screens sa arena o maging sa adjacent L.A. Live entertainment area.

Inilibing sina Bryant at Gianna noong Pebrero 7 sa Pacific View Memorial Park sa Corona del Mar, California malapit sa kanilang tahanan.

Noong Lunes ay libu-libong tao ang nagtungo sa Angel Stadium ng Anaheim para sa pagluluksa kina Orange Coast College baseball coach John Altobelli, kanyang asa-wang si Keri at kanilang anak na si Alyssa, ang teammate ni Gianna.

KOBE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with