PSL Fans Day kinansela
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pag-iingat dahil sa banta ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, nagpasya ang pamunuan ng Philippine Superliga (PSL) na kanselahin ang 2020 PSL Fans Day kahapon sa Robinson’s Place Manila sa Malate.

Sa pahayag na inilabas ng PSL, sinabi nito na ang desisyon ng pagpapaliban ng pre-opening season activity ng liga ay pagsunod sa utos ng gobyerno na pag-iwas sa malalaking pagtitipon para sa kaligtasan ng lahat.

“The cancellation is based on the consultation with the eight (8) teams in light of the global threat of COVID-19 which has not spared the Philippines. The decision to cancel this pre-opening season activity is in consonance with the Government’s call to avoid large public gatherings for the time being for the general safety of all parties,” sabi ng PSL.

Ilang piling players mula sa walong team na kasali sa torneo ang inaasahan sanang makikisa-lamuha at makikisaya sa mga tagahangang dadalo sa aktibidad na ito.

Ang kanselasyon ng PSL Fans day, ay bagong dagdag sa mga sporting event na pinagpaliban sa bansa dahil sa banta ng COVID-19, na may tatlong kumpirmadong kaso at isang namatay dito sa Pilipinas.

Unang kinansela ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang lahat ng juniors event bago isunod ang seniors games matapos ang pagpapahinto ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa se-cond semester sports nito.

Bukod sa dalawang collegiate leagues, inurong din ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang opening days ng D-League, mula Pebrero 13 ay inurong ito sa Marso 2, at ang 45th season ng PBA ay magsisimula sa Marso 8 imbes na sa Marso 1.

Nauna na ring sinuspendi ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Summit sa Maynila ngayong buwan at balak naman iurong ng Philippine Paralympic Committee (PPC) ang 10th ASEAN Para Games sa Hunyo mula Marso.

PSL FANS DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with