Arellano, Perpetual pupuwesto
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikapitong panalo ang kapwa pupuntiryahin ng Arellano University Lady Chiefs at Perpe-tual Help Lady Altas sa pagharap sa kani-kanilang kalaban sa pagpapatuloy ng elimination round ng NCAA season 95 women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Chiefs ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa alas-12 ng tanghali habang makakatapat naman ng Lady Altas ang Letran Lady Knight bandang alas-2 ng hapon.

Bagama’t selyado na ng defending champions ang kanilang puwesto sa semifinals ng liga, target pa rin ng tropa na mapatatag ang kapit sa second spot ng team standings.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Arellano (6-1) kasunod ang Perpetual na katabla ang San Beda sa 6-2 sa likod ng wala pang talong St. Benilde (7-0).

Base sa format, diretso sa Finals ang makaka-sweep ng single elimination round eliminations na hahantong sa stepladder semis ngunit kung hindi ay haharapin ng No. 1 ang No. 4 team at No. 2 vs No. 3 kung saan twice to beat ang top-two teams.

“Ang target lang namin sa elimination ay mag number two lang muna. Hindi ko tinatarget ‘yung one. Kailangan lang malagay tayo sa two kasi kung sa three, doble kayod ka pa bago makapunta ng Finals,” wika ni coach Obet Javier.

Ipaparada uli ng Arellano U si reigning Finals Most Valuable Player (MVP) Regine Arocha kasama sina Necole Ebuen, Princess Bello, Ella Juanich, Carla Donato at Sara Verutiao.

Gusto namang tapusin ng Perpetual Help ang huling laro nila sa eliminations ng may panalo para mapataas ang kumpiyansa at moral ng tropa pagpasok ng semifinal round.

Babanderahan muli ni Jhona Rosal ang Las Piñas based-squad katuwang sina Blanca Tripoli, Jenny Gaviola, Dana Persa, Shyra Umandal, Hannah Suico at Alyssa Sanggalang.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with