Lady Altas nagbulsa ng tiket sa final four
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumirada si Jhona Ro­sal para pangunahan ang University of Perpe­tual Help Lady Altas sa  20-25, 25-17, 25-21, 25-21 paggupo sa Emilio Aguinaldo College Lady Ge­nerals at selyuhan ang kanilang tiket sa semifi­nal round ng NCAA Sea­son 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagrehistro si Rosal ng 17 points mula sa 15 attacks at 2 aces para ilista ang ikaanim nilang tagumpay sa walong laro, habang nag-ambag ng 11 markers si senior spiker Blanca Tripoli.

Umariba rin si Dana Persa matapos magtala ng double-double finish sa 11 points at 12 excellent digs at nagtala si Jenny Ga­viola na may 10 mar­kers at 14 excellent sets.

Nagawa mang maka­bawi sa huli nilang pag­ka­talo kontra sa San Be­da Lady Red Spikers ay aminado si coach Macky Cariño na naging mabagal ang simula ng tropa dahil na rin sa takot na magkamali at malagay sa alanganing posisyon.

“Sobrang bagal mag-start talaga. Sobrang relax, galing kasi kami sa pangit na performance against San Beda, so ki­nausap ko sila. Sabi ko challenge sa amin for today’s game na kailangang makuha ulit natin ‘yung pa­nalo. Maghanap ulit kami ng winning ways,” wika ni Cariño.

Nagpasalamat pa rin si Ca­riño na nagising ang kanyang tropa matapos masilatan ng isang set at dinire-diretso nito ang ratsada sa huling sets para kunin ang ipanalo.

Samantala, magarbo na­mang tinapos ng Jose Rizal University Lady Bombers ang kanilang kampanya nang padapain ang Letran Lady Knights, 25-17, 18-25, 25-21, 25-13, para kunin ang ika­apat nilang tagumpay sa siyam na laro.

Binanderahan ni team captain Dolly Grace Versoza ang grupo matapos kumubra ng 16 points at 19 excellent digs, habang may 14 markers si Sydney Niegos.

Nagdagdag ng pinagsamang 22 puntos si­na Ri­za Rose at Karyla Jasareno.

NCAA SEA­SON 95
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with