^

PM Sports

Fajardo napigilan ng bad break

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi napigil ng double-teaming defense o kahit na triple-teaming defense si June Mar Fajardo ngunit mukhang kapalaran o masamang bad break ang puputol ng record streak of MVP showings ng San Miguel Beer behemoth.

Malamang na si Fajardo ang gagawaran ng MVP award sa Leo Awards na ihahatid ng PBA bago ang inaugurals ng PBA Season 45 sa March 1 sa Araneta Coliseum.

Kung hindi mauunsyami, ito ang ika-anim na sunod na MVP coronation ng Cebuano pride.

Dahil nasa peak ng kanyang playing career, inasahan na siya pa rin ang mamamayagpag sa parating na PBA season. Kaya nga lamang ay natamo niya ang masaklap na kapalaran na pansamantalang puputol ng kanyang dominasyon ng PBA games.

Kung mawawala siya ng isang buong conference, ma-lamang na out of the race na siya para sa susunod na MVP derby. At magbibigay daan ito sa wide-open race sa mga PBA stars na natatakpan ng malaking anino ni Fajardo.

Kung consistent solid all-around performance sa mga nagdaang seasons ang pagbabasehan, nariyan sina Christian Standhardinger, Stanley Pringle at Sean Anthony.

Nariyan din si CJ Pe-rez na lintik ang ipinakita sa kanyang rookie year na nagbunsod sa kanyang inclusion sa MVP derby.

Pero siyempre, kailangang playoff contenders ang kanilang koponan upang bumigat ang timbang ng kanilang tsansa.

Ang sidelining ni Fajar-do ay maaari rin magbunsod ng pagbabago ng ba-lance of power ng liga.

Kung walang Fajardo ang San Miguel, ang tantiya ko ay Barangay Ginebra ang lulutang na liyamado sa laban para sa PBA Phi-lippine Cup crown.

Ginebra ngayon ang pinakamalaking koponan sa pangunguna nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar. At kasama sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Pringle, misyon ng team ni coach Tim Cone na makuha ang kampeonatong kulang sa kanilang resume.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with