Lady Chiefs pinosasan ang Letran Lady Knights
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos madungisan ang malinis na kartada ay bumalikwas pabalik sa win-column ang Arellano University Lady Chiefs nang padapain ang Cole­gio de San Juan de Letran Lady Knights, 25-14, 26-28, 25-19, 25-16, sa NCAA season 95 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumida muli si reig­ning Finals Most Valua­ble Player Regine Arocha matapos magrehistro ng 19 points mula sa 15 attacks, 3 aces at 1 block para patatagin ang kapit ng tropa sa ikalawang pu­westo hawak ang 6-1 ba­raha.

Nagparamdam din si Necole Ebuen nang mag-ambag siya ng 13 mar­kers at 8 excellent digs, habang gumana rin para sa tropa sina Carla Dona­to at Princess Bello na may 12 at 8 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagawa mang maka­bawi sa huling pagkatalo nito kontra Perpetual Help ay aminado pa rin si head coach Obet Javier na takot siya sa pabagu-bagong laro na ipinapakita ng kanyang tropa nga­yong season.

“Nakakatakot ‘yung performance ng team ko ka­si pabagu-bago. Dapat hindi ganooun ‘yung takbo eh,” sabi ni Javier. “Nanalo kami pero hindi ganoon kasaya dahil ang dami pa ring lapses ng team. Maisip sana ng players ko na ‘yung mga nangyayari sa laro. Sana maisip nila na hindi dapat puwedeng ganoon eve­ry game na laging may pag­ba­bago.”

Wala na rin sa isip ni Javier na masikwat ang top spot sa eliminations at nais na lamang niya na mas ma­pa­lakas ng Arellano ang pagkapit sa second seed para hindi sila magahol pa­tungo sa inaasam na ika­apat na sunod na Finals appearance.

Umariba namang mu­li si Cham­berlaine Cuna­da ma­­tapos magtala ng 16 points para sa Lady Knights na natengga sa ikalimang puwesto sa 3-3 kartada.

Sa men’s division, wi­na­­lis ang Arellano Chiefs ang Letran Knights, 25-22, 25-12, 25-17, para sa 5-2 baraha at malinis pa rin sa 6-0 ang Arellano Braves nang pabagsakin ang Letran Squires, 25-12, 25-21, 23-25, 25-20, sa juniors division.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with