SLR, West Japan may misyon
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikalawang sunod na pa­nalo ang kapwa targe­t ng Sta. Lucia Lady Real­tors at West Japan All-Stars sa kanilang pag­ha­harap sa ikalawang araw ng 2020 Philippine Su­perliga-Mayor Maliksi Su­­per Cup sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Magtatapat ang dalawang tropa ngayong alas-5 ng hapon matapos ang tapatan ng Cignal HD Spikers at Generika-Ayala Lifesavers sa alas-3 ng hapon.

Nanggulat ang bagong bihis na Sta. Lucia nang takasan ang Lifesavers sa kanilang five-set thriller, 19-25, 27-25, 18-25, 25-21, 17-15, para kunin ang unang panalo sa three-day tournament.

Sumandal ang tropa ki­na Shainah Joseph, Mi­ka Reyes, Jessica Vestal, Honey Royse Tubino at Ru­bie de Leon para sa ka­nilang tagumpay.

Para sa panig naman ng West Japan, dominanteng performance ang ka­­­­nilang ipinakita para du­rugin ang HD Spikersvia straight sets, 25-16, 25-14, 25-10, at ilista ang unang panalo sa torneo.

Hindi pinagpawisan ang Japanese club team sa naging laban na binaderahan nina Nozomi Hattori, Hikari Minato, Yukiho Ha­ra, Ayuko Fukuda, Ai­ka Hayashida at Mina Ha­gashi.

Ang nasabing pre-season tournament ay binuo ng PSL at pamahalaang ba­yan ng Imus para bigyan ng tulong ang mga evacuees na nasalanta ng pagputok ng Taal Volca­no.

2020 PHILIPPINE SU­PERLIGA-MAYOR MALIKSI SU­­PER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with