Sta. Lucia nakauna
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaksyong five-set match ang inalpasan ng Sta. Lucia Lady Realtors upang hatakin ang 9-25, 27-25, 18-25, 25-21, 17-15 win sa Generika-Ayala Lifesavers para sa unang panalo sa 2020 Philippine Superliga (PSL)-Mayor Maliksi Super Cup, 1 kahapon sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Matapos sumailalim sa ilang buwang revamping, nasaksihan ng lahat ang malaking pagbabago sa hanay ng Lady Realtors ngayong season na nagdala sa kanilang unang tagumpay.

Matapos makuha ng kalaban ang first set, bumawi ang tropa pagpasok ng second nang paganahin ang kanilang prized-recruit na si Filipino-American skipper Jessica Vest para kunin ang set pero bigong bitbitin ang momentum sa third frame kasabay ng pag-ariba ng Generika-Ayala.

Lubog sa 1-2 set deficit, sinandalan nang husto ng tropa si Honey Royse Tubino at Candian reinforcement na si Shaina Joseph sa fourth para manduhan ang kanilang opensa at dalhin ang laro sa isang decider.

Unti-unting umariba ang Lady Realtors sa final set nang kunin nito ang 14-12 na bentahe mula sa back-to-back attacks ni Joseph pero hindi bumitaw ang Lifesavers at naitabla 14 ang laro mula sa attack at ace nina Mina Aganon at Rhea Dimaculangan.

Nakaangat muli ang koponan, 16-15 at nagawang pigilan ang atake nina Eli Soyud at Meneses bago binigyan ng set ni Djanel Cheng si Vestal na siyang tumapos ng laro.

As of press time, isang opening ceremony ang isinasagawa para sa pocket tournament na ito at susundan ng tapatang West Japan All-Stars at Cignal HD Spikers.

Ang torneong ito ay Spike for A Cause kung saan ang mga donasyon para sa Taal victims ang kapalit para makapanood ng laro.

2020 PHILIPPINE SUPERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with