Maliksi Super Cup: Spike For A Cause
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magsisimula na nga-yong araw ang Mayor Maliksi Super Cup: Spike For A Cause, isang preseason tourney na binuo ng Philippine Superliga (PSL) katulong ang Imus City, na gaganapin sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Apat na tropa ang maglalaban-laban sa tatlong araw ng torneong ito, na sisimulan ng tapatang Generika-Ayala Lifesavers at Sta. Lucia Lady Realtors sa alas-2 ng hapon habang sa alas-5 naman ang laban ng West Japan All-Stars at Cignal HD Spikers.

Magkakaroon din ng maiksing opening cere-mony ang liga na magsisimula ng alas-4 ng hapon.

Sa preseason na ito rin unang masasaksihan ang mga pagbabagong naganap sa ilang mga koponan matapos nitong sumailalim sa ilang buwan na balasahan.

Mapapanood na sina Rhea Dimaculangan, Eli Soyud, Chinchin Basas at Mina Aganon sa Lifesa-vers habang makikita na rin sina Mika Reyes, Jessica Vestal, Honey Royse Tubino at Djanel Cheng suot ang Sta. Lucia jersey at magpapakitang-gilas naman si Fiola Ceballos kasama ang HD Spikers.

Libre para sa lahat ng gustong manood ang la-rong ito at magdadala lamang ng mga donasyon gaya ng canned goods, inuming tubig, gamot, toiletries at facemasks kapalit ng tiket para rito.

MALIKSI SUPER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with