SLR Lady Realtors buo na ang team
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan na balasahan, ipinakilala na ng Sta.Lucia Lady Realtors ang kanilang final roster na siyang papalo sa 2020 Phi-lippine Superliga (PSL) Grand Prix na magsisi-mula  ngayong buwan.

Isang video presentation ang pinost ng Lady Realtors sa kanilang official Twitter page kung saan isa-isang pinangalanan ang mga manlalaro na bubuo sa bagong bihis na tropa ngayon.

“In finding the balance between the holdovers and the reinforcements, the past and the present, the strength and the grace, the losses and the experiences, the wins and the hard work, we will create #thenewSTALUCIA. Rising soon at the @SuperLigaPH!” post ng Sta. Lucia.

Ibabandera ni national team mainstay at two-time PSL Best Middle Blocker na si Mika Reyes ang koponan kasama ang dalawa pang prize recruit na sina Honey Royse Tubino at Filipino-American skipper Jessica Vestal.

Naglaro para sa Cignal HD Spikers noong 2018 PSL All-Filipino Conference si Tubino bago ito tumalon sa Premier Volleyball League (PVL) noong 2019 sa ilalim ng PacificTown-Army habang sa Belmont University ng NCAA Division I huling pumalo si Vestal.

Makakasama rin sa bagong Sta. Lucia team ang setter na si Djanel Cheng na galing sa PetroGazz Angels; Aie Gannaban na mula sa Motolite; at sina Marge Tejada at Bang Pineda na kapwa galing sa Choco Mucho Flying Titans.

Sasandalan din ng Lady Realtors ngayong import-laden conference na ito ang 6-foot-1 opposite hitter at Canadian national team member na si Shaina Joseph. Mapapanuod pa rin ang siyam na natirang manlalaro sa pangunguna ni MJ Phillips, Pam Lastimosa, Rubie de Leon, Amy Ahomiro, Alex Bollier, Andrea Marzan, Glaudine Troncoso at dalawang beach volley mainstays na sina DM Demontano at Jackie Estoquia.

Masusubok agad ang angas ng bagong Lady Realtors sa pagsabak nito sa PSL pre-season tourney na Mayor Maliksi Cup: Spike For A Cause ngayon Pebrero 3 sa Imus Sports Center kung saan makakaharap nito ang Cignal HD Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at All-Star team mula sa West Japan University.

SLR LADY REALTORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with