Rondina, Pons sa Creamline Beach volley team
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang pasasa-lamat nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa pamunuan ng Rebisco matapos nitong bumuo ng isang beach volleyball team na ang layon ay tulungan ang Philippine beach volleyball sa kampanya ngayong 2020.

Ang Creamline Beach Volleyball team ang koponan na itinatag ng Rebisco katuwang ang Beach Volleyball Republic (BVR) kung saan sila ang magsisilbing major sponsor ng tropa sa mga torneong sasalihan ng mga ito.

Sa Twitter post ng UAAP season 81 Most Valuable Player (MVP) na si Rondina, nagpasa-lamat siya dahil natupad na ang isa sa mga hiling nila ni Pons na magkaroon ng isang kompanyang tutulong sa kanila para mas maiangat pa ang laro nila.

“Lord, maraming salamat po. Naalala ko pa usapan namin ni @ponsbernadeth na “what if kaya no kung may susuporta satin ‘yung full time tayo sa beachvolley. Mahal namin kayo @coolsmasherssph #ArawArawGoodVibes #CreamlineBeachVolleyball #CreamlineCreamyIceCream,” post ni Rondina.

Sa Instagram naman idinaan ni Pons ang kanyang taos-pusong pasasalamat dahil na-ging posible ang matagal na nilang hinihiling at pinapangarap at hindi nila aniya sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng Rebisco.

Ibabandera nina Pons at Rondina ang koponan kasama sina Floremel Rodriguez at ang men’s roster na sina Edmar Bonono, Jude Garcia, Jaron Requiton at James Buytrago.

Nakatakdang sumabak ang Nationals sa ilang local beach volleyball tourney at sa isang FIVB World Tour 1-star tournament sa Mayo.

Matatandaan na nagpakitang-gilas ang Phi-lippine beach volleyball team sa nakaraang Southeast Asian (SEA) Games nang makamit ang tansong medalya na 14-taon na ang nakararaan nang huling maibulsa ng bansa ito.

CREAMLINE BEACH VOLLEY TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with