Pacio, Folayang sasalang na sa ONE: Fire & Fury bukas
(Pang-masa) - January 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Babanderahan nina ONE strawweight world champion Joshua “The Passion” Pacio at dating ONE lightweight titlist Eduard “Landslide” Folayang ang laban ng mga Pinoy sa “Fire & Fury” fight card ng ONE Championship bukas sa Mall of Asia Arena.

Mapapanood ang nasabing mga aksyon nang Live sa ABS-CBN S+A at may livestreaming din sa iWant, ABS-CBN Sports YouTube channel at ABS-CBN Sports Facebook page.

Ipagtatanggol ni Pacio, ang natatanging kampeon ng sikat na Team Lakay, ang kanyang suot na ONE strawweight belt kontra sa da-ting kampeon na si Alex Silva ng Brazil.

Muli namang sisi-mulan ng itinuturing na alamat sa Pinoy MMA na si Folayang ang kanyang pagbabalik sa itaas sa pagharap kay Pieter Buist ng Netherlands.

Samantala, mapapanood din sa octagon si Danny “The King” Kingad, gustong bumawi mula sa pagkatalo kay MMA superstar Demetrious Johnson, sa pakikipagtuos kay Xie Wie ng China.

Maliban kina Pacio, Folayang at Kingad ay lalaban din para sa Pilipinas sina Jomary Torres at Gina Iniong at Team Lakay standout Lito Adiwang sa lead card ng “ONE: Fire & Fury.”

Makakatapat ni Torres si Jenny Huang ng China habang sasagupain ni Iniong si Asha Roka ng India.

Tatangkain naman ni Adiwang na iskoran si Pongsiri Mitsatit ng Thailand.

Mapapanood ang kanilang mga laban sa pagpapalabas ng S+A ng lead cards sa alas-10:30 ng gabi.

EDUARD FOLAYANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with