^

PM Sports

Pinoy Kobe Bryant fans nagluluksa rin

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Pinoy Kobe Bryant fans nagluluksa rin

MANILA, Philippines — Nagkulay purple at gold ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang samahan ang Los Angeles sa pag-alala kay Kobe Bryant.

Iba’t ibang landmarks at cities sa bansa sa pa-ngunguna ng Mall of Asia Arena at Smart-Araneta Coliseum ang nagpailaw ng Lakers colors kinagabihan matapos ang kagimbal-gimbal na pagpanaw ni Bryant at ng kanyang anak na si Gianna Maria sa pambihirang helicopter crash.

Pinailawan ng MOA ang kilalang globo  sa harapan na may may jersey number ni Bryant na #24 habang sa Araneta naman ay nagkaroon ng munting pagtitipon ang mga Pinoy fans nang unti-unting pinailaw na purple at gold ang buong coliseum at outdoor façade nito.

Daan-daang bulaklak, #8 at #24 jerseys at kandila rin ang inialay ng mga fans sa labas ng Araneta na mistulang representasyon ng bansa sa ginagawang vigil ng fans sa labas ng Staples Center sa LA, California.

Gayundin ang ginawa ng mga Pinoy fans sa House of Kobe court sa Valenzuela City na pinasinayaan noong Linggo lang, ilang oras bago ang pagpanaw ni “Black Mamba.”

Sa Araneta ay nakasabit ang jersey ni Bryant matapos itong magsilbing venue noong 2016 sa ginanap na Mamba Farewell Tour matapos ang kanyang NBA retirement.

Nagkulay purple ang gold din at nagpaskil ng #24 jerseys ang Ronac Art Center, Megaworld Corporation sa Makati, Eastwood City, North EDSA at SM City Cebu.

Sa Tenement sa Taguig City ay pinintahan ng mga fans sa pangunguna ni Mike Swift ang buong court ng larawan ni Bryant at i Gianna.

vuukle comment

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with