^

PM Sports

June Mar Fajardo namumuro sa pang-6 na MVP title

John Bryan Ulanday - Pang-masa
June Mar Fajardo namumuro sa pang-6 na MVP title

MANILA, Philippines — Liyamado si June Mar Fajardo na magwagi ng kanyang sa ikaa-nim na sunod na taon sa pagtatapos ng 44th PBA Season.

Nakaipon ang 5-time PBA  MVP mula sa San Miguel ng 39.6 statistical points upang manguna sa statistical race kontra sa mahihigpit na karibal na si CJ Perez ng Columbian na may 33. 47 SPs.

Tinanghal na Best Player of the Conference si Fajardo sa Phi-lippine Cup habang malakas na kandidato sa dalawang conferences ang scoring leader na si Perez bagama’t laging laglag sa eliminasyon ang Dyip.

Pumangatlo naman sa stats si Sean Anthony  (33.46 SPs)  ng Northport habang kinumpleto naman nina Stanley Pringle (31.8 SPs) ng Governors’ Cup champion na Ginebra at Roger Pogoy (31.7 SPs) ng TNT.

Bilang BPC naman ng Commissioner’s Cup at Governors’ Cup, awtomatikong MVP candidates din sina Jayson Castro ng KaTropa at Christian Standhardi-nger ng Batang Pier.

Nasa ikaanim si Castro sa stats race na sinundan nina Japeth Aguilar (29.9), Matthew Wright (29.0), Ian Sangalang (28.7) at Mo Tautuaa upang kumpletuhin ang Top 10.

Bilang MVP candidate naman, namumuro si Perez sa Rookie of the Year award. Bagama’t freshman pa lang sa liga, ang dating NCAA MVP ay ang scoring champion ngayong taon sa 20.8 average points sa tatlong conferences.

Nakalikom si Perez ng 33. 5 SPs na halos sugurado na sa ROY award habang nasa top 5 rookies din sina Ro-bert Bolick (27.0) ng Northport, Javee Mocon (23.2) ng Rain or Shine, Bobby Ray Parks Jr. (19.4) ng TNT at Abu Tratter (17.8) ng Alaska.

Igagawad ang MVP at ROY sa Marso 1 kung kailan pagsasabayin ng PBA ang 44th Leo Awards at ang opening ceremony ng 45th Season sa Smart-Araneta Coliseum.

Ilan pa sa mga ibibigay na parangal ay ang All-Defensive Team, Mythical First at Second Team, Most Improved Player at Sportsmanship Award.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with