Budget sa sports aalamin ng PSC
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay gusto nang malaman ng Philippine Sports Commission ang budget proposal ng mga national sports association para sa taong 2020.

Nagtakda ang PSC, sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez, ng budget hearing sa hanay ng mga NSAs sa Martes.

Unang makakausap ng PSC ang mga opisyales ng gymnastics at athletics sa Pebrero 6 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Sina gymnast Caloy Yulo at pole vaulter EJ Obiena ang unang dalawang Pinoy athletes na nakakuha ng tiket para sa 2020 Tokyo Olympics.

Gustong malaman ng sports agency ang kailangang pondo ng mga sports associations para sa kanilang mga prog-rama at sasalihang international competitions ngayong taon.

“The PSC, as mandated by law, is here to support each of our NSAs. With the assistance coming from the President and PAGCOR, we want to know their budget proposals and programs and see where we are headed,” wika ni Ramirez kahapon.

Bibigyan ng PSC ng espesyal na atensyon ang mga NSAs na may mga atletang sasabak sa darating na 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kasama rin dito ang mga national athletes na lalahok sa mga Olympic qualifiyng tournaments.

Maliban sa annual budget, tatalakayin din ng PSC ang mga prio-rity programs at lalahukang major international events ng mga NSAs pati na ang kanilang mga grassroots sports programs.

Tatanungin din ng komisyon sa mga sports associations ang kasalukuyang estado sa kanilang mga International Fede-ration (IF) kasama ang Philippine Olympic Committee (POC) accreditation at profile ng kanilang mga atleta.

Pamumunuan ng bawat PSC Commissioner ang budget hearing para sa mga sports na nasa kanilang listahan.

Noong nakaraang taon ay inaprubahan ng PSC ang 600 milyong pondo ng mga NSAs para sa 30th Southeast Asian Games.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with