^

PM Sports

Mighty Sports target ang 3-0 record kontra sa Es Rades

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubukan ng Mighty Sports-Philippines na mapanatili ang malinis na kartada kontra sa kapwa unbeaten na Es Rades ng Tunisia upang mapalakas ang tsansa sa semifinal round ng 31st Dubai International Basketball Tour­nament sa Al Shabab Al Ahli Club.

Magbabanggaan ang wa­la pang mga galos na koponan sa ala-1 ng madaling araw (Manila time) kung saan ang mananalo ay makakasiguro ng puwesto sa top two sa Group A action at silya sa Final Four ng prestihiyosong annual invitational tourney sa Asya.

Upang magawa ito ay aasa ang Philippine contingent sa magandang kondisyon na nakuha nila sa dalawang araw na pa­hi­nga matapos ang 2-0 panimula kontra sa UAE national team at sa Al Ittihad ng Syria.

Umeskapo ang Alex Wongchuking-franchise kontra sa UAE, 88-82, at sa Al Ittihad, 2-0, para mai­kasa ang higanteng sa­gupaan sa Es Rades na may 3-0 kartada naman sa Group A.

Tinalo ng Rades ang Bei­rut Sports Club (86-85), UAE (81-71) at Al Ittihad (63-62).

Aasa si coach Charles Tiu kina Andray Blatche at Renaldo Balkman ka­sama sina McKenzie Moore at Jelan Kendrick na nanguna sa kanilang unang dalawang panalo.

Ngunit para maipagpag ang palabang Rades, ka­kailanganin ni Tiu ng tulong mula sa local aces na sina Thirdy Ravena, Dave Ildefonso, Isaac Go, Jamie Malonzo, Juan at Javi Gomez De Liano na hindi pa nakakapagpasik­lab sa 11-team Dubai tilt.

Matapos ang Rades ay haharang naman sa Mighty ang Beirut na runner-up sa kampeon na Al Riyadi.

Hangad ng Mighty Sports na ma­ging kauna-unahang non-Middle Eas­tern champion sa Dubai.

Nagtapos sila sa ikatlo noong 2019 edition sa likod nina Justine Brownlee at Lamar Odom.

vuukle comment

MIGHTY SPORTS-PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with