^

PM Sports

Suntok pilipinas!

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naunsyami man ang hangarin ng ABAP na masalo ang nakanselang hosting ng Wuhan, China sa Asia/Oceania Olympic boxing qualifier, naidiin ni ABAP chairman Manny V. Pangilinan at iba pang ABAP officials ang determinasyon na mailagay sa magandang kalagayan ang mga Filipino boxers at mapalakas ang kanilang tsansa na makarating sa Olympics.

At hindi man nakuha ang hosting rights, pa­ngako pa rin ni Ginoong MVP ang full support sa mga boxers sa pangarap na hindi lamang mag-qualify sa Olympics kung hindi ang mairegalo sa Pilipinas ang minimithing unang medalyang ginto sa quadrennial games.

At dahil dito, inaasahang lumakas pa ang moti­basyon ng mga Filipino boxers na sasalang sa Olympic qualifiers na ngayon ay nakatakda na sa Amman, Jordan sa March 3-11.

Maganda ang senyales ng panahon at mayro­ong momentum ng sinasakyan ang Team Phl mula sa gold-medal showing ni Nesthy Petecio sa Wo­men’s World Championship at silver-medal effort ni Eumir Marcial sa men’s world event.

Ilan pa sa mga pambato ng ABAP ay sina Carlo Paalam at Rogen Ladon sa 52kg category, Ian Clark Bautista (57kg), James Palicte (63kg), Irish Mag­­no (51kg), Riza Pasuit (60kg) at ang dating wu­shu standout na si Hergie Bacyadan (69kg).

Si light heavyweight campaigner John Marvin, gold medalist noong 2017 SEAG, ay nagpapaga­ling ng kanyang kamay na naka-cast.

Mataas ang kumpiyansa ni ABAP secretary ge­neral Ed Picson na ang lahat ng kanilang ipapadala sa Jordan slugfest ay mataas ang potential na mag-qualify.

At talagang kailangan nilang lumusot sa Asia-Ocenia qualifier pa lamang dahil mas mabigat ang pagdadaanan sa huling qualifier kung saan maka­ka­­harap nila ang iba pang non-qualifiers mula sa ibang continents.

Sa kasalukuyan, tanging si pole-vaulter EJ Obie­na at world gymnastics champ Carlos Yulo pa lamang ang qualified na Filipino bets para sa pa­pa­ra­ting na Tokyo Games.

*****

vuukle comment

MANNY V. PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with