Casimero-Inoue fight sa Abril 25
MANILA, Philippines — Posible nang matupad na ang pinapangarap na title unification fight ni Filipino world bantamweight title-holder John Riel Casimero.
Nakatakdang labanan ni Casimero si IBF at WBA bantamweight titlist Naoya Inoue ng Japan sa Abril 25 sa Las Vegas, Nevada, ayon sa report ng BoxingScene.com kahapon.
Inaasahang gagawin ang official announcement ng nasabing title unification match nina Casimero at Inoue sa mga susunod na araw.
Tinalo ni Casimero si Zolene Tete ng South Africa via three-round knockout victory para makuha ang World Boxing Organization crown sa kanilang upakan noong Nobyembre.
Matapos ang panalo ay sinabi ni Casimero na gusto niyang makasagupa si Inoue para sa isang unification title fight.
Kaagad namang sumagot ang Japanese star.
Sakaling tuluyan nang maisara ang negosasyon ay ihahayag ang venue ng nasabing laban.
Si Casimero ay nasa ilalim ng MP Promotions ni Manny Pacquiao, habang lumalaban maman si Inoue sa Top Rank Promotioins ni Bob Arum.
Ang tubong Leyte na si Casimero ay isang three-division world champion.
Dati niyang hinawakan ang mga titulo ng IBF flyweight at IBF/WBO light flyweight.
Nagmula naman si Inoue sa decision win kontra kay Nonito Donaire, Jr. noong Nobyembre.
- Latest