Cauley-Stein kinukuha ng Dallas
DALLAS — Pina finalize na ng Golden State Warriors ang isang trade para dalhin si center Willie Cauley-Stein sa Mavericks kapalit ng isang second-round draft pick.
Inaasahang makukumpleto ang nasabing palitan ng Golden State at Dallas sa mga susunod na araw.
Nagtala ang 7-foot na si Cauley-Stein, hindi nakasama sa training camp at sa mga exhibition games dahil sa kanyang left foot injury, ng mga averages na 7.9 points, 6.2 rebounds, 1.5 assists at team-leading 1.22 blocks sa 41 games para sa Warriors.
Nagsagawa rin ang Mavericks ng isang roster-clearing move sa pagbibigay kay rookie Isaiah Roby sa Oklahoma City Thunder para makuha si Justin Patton at pera.
Sinasabing plano ng Dallas na bitawan si Patton.
Nangailangan ang Mavericks ng big man matapos magkaroon si starting center Dwight Powell ng torn right Achilles tendon sa kanilang naunang kabi-guan sa Los Angeles Clippers noong Martes.
- Latest