^

PM Sports

2-araw na pahinga ang Mighty Sports

John Bryan Ulanday - Pang-masa
2-araw na pahinga ang Mighty Sports

MANILA, Philippines — Pahinga muna ang wala pang talong Mighty Sports – Philippines bago sumalang ulit sa makalawa para sa tsansang mawalis ang preliminary round ng 31st Dubait International Basketball Tournament sa Al Shabab Al Ahli Sports Club.

Walang laro ang Mighty kahapon at ngayon upang makapagpakondisyon sa dalawang krusyal na laban kontra sa Rades ng Tunisia at Beirut Sports Club sa Lunes at Martes, ayon sa pagkakasunod.

Magandang pagkakataon ang naturang two-day break, ayon kay coach Charles Tiu, lalo’t unti-unti pa lang nilang pinupulido ang team chemistry na muntik na silang hilain sa kabiguan sa kanilang unang dalawang laban.

“This two-day break will be good for us. It’s a good time to recharge and get some bonding together,” aniya.

Bago ang two-day break, siniguro muna ng Philippine bet na hindi magagalusan ang kartada nila matapos ipagpag ang Al Ittihad ng Syria para sa ikalawang sunod nitong panalo sa Dubai tilt kamakalawa.

Trumangko sa dikit na panalo ng Alex Wongchuking-franchise ang dating Gilas Pilipinas naturalized player na si Andray Blatch na kumamada ng 28 puntos at 11 rebounds sa loob ng 28 minutong aksyon lamang.

Sumuporta sa kanya si Renado Balkman na may 15 puntos, 10 rebounds at apat na assists habang may siyam at six markers na ambag din sina McKenzie Moore at Jaime Malonzo, ayon sa pagkakasunod.

Ikinatuwa ni Tiu ang pagbabalik ng bangis ni Blatche na nahirapang mag-adjust sa Mighty mula sa mahabang layoff. Huling naglaro ang 33-anyos na beterano para sa Gilas noong nakaraang Set-yembre sa 2019 FIBA World Cup at umiinda pa ng hand injury.

“Finally, Andray came to play. His shots finally fell. It’s been weeks for him but that’s what great players are supposed to do. He was much better defensively, too,” ani Tiu. “We’re happy about the win. It’s a much better performance for us but we have to take it a notch higher though.”

Nangangarap ang Mighty Sports na maging kauna-unahang koponan sa labas ng Middle East na magkampeon sa 11-team Dubai annual invitational tournament.

 

vuukle comment

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with