SBU Lady Red spikers 3-sunod na panalo
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-arangkada ng San Beda University Lady Red Spikers matapos sagpa-ngin ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa Letran Lady Knights, 24-26, 25-19, 25-18, 25-17 sa NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Binandera ni kapitana Cesca Racraquin ang tropa sa pagrerehistro ng 22 points sa kanyang 17 attacks, 3 aces at 2 kill blocks, at 7 excellent receptions para saluhan  ng SBU sa second spot ang Arellano U sa standings hawak ang 3-0 win-loss record.

Naramdaman din si Nieza Viray na may 12 points at 18 excellent digs habang gumana ang middle blockers na sina Kimberly Manzano at Trisha Paras nang mag-ambag ng 9 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha man ang ikatlong sunod na panalo sa liga, hindi ito sapat para maging kampante ang tropa lalo na’t marami pa ang dapat nilang habulin para makalusot uli sa Final Four ng torneo.

“Siyempre hindi kailangang mag-relax kasi ang dami pa ring nasa taas, ‘yung Saint Benilde at Arellano. So, kami naghahabol pa rin kami pero iniisip na lang muna namin ‘yung mga makakalaban namin, doon muna kami naka-focus,” sabi ni San Beda coach Nemesio Gavino.

Muling nasayang ang triple-double finish ni Chamberlaine Cunada na nagposte ng 17 points, 21 digs at 10 receptions para sa Lady Knights na dumulas sa 1-2 karta.

Samantala, natakasan ng Perpetual Help Lady Altas ang Mapua University Lady Cardinals, 20-25, 24-26, 25-18, 25-12, 15-6 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa torneo.

Lubog sa dalawang sets, hindi bumitiw ang last season runner-up sa pagpasok ng third set at umariba para iposte ang 16-11 bentahe  at umariba  sa fourth, 20-10 at lumamang sa 16-3 sa decider tungo sa panalo.

Inasahan muli ng Lady Altas si Bianca Tripoli na nagtala ng 20 points, lahat galing sa attacks, habang may 15 markers at 13 excellent digs si Jhona Rosal at ang trio nina Shyra Umandal, Dana Persa at Charina Scott ay may 14, 13 at 9 puntos, ayon sa pagkakasunod.

NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with