James-Davis tandem ‘di napigilan
(Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

NEW YORK – Matapos kumamada ng 19 points sa first half ay naisip ni LeBron James na bigyan ng mas maraming bola si Anthony Davis sa second half.

Ang resulta nito ay ang 100-92 paggupo ng Los Angeles Lakers kontra sa Knicks kung saan tumapos si Davis na may 28 markers tampok ang 13-of-13 shooting sa free throw line.

“I was more of a facilitator in the second half,” wika ni James. “Tried to get AD (Davis) going. He looked a little out of rhythm in the first half. It was a point of emphasis to me coming into the third quarter and the fourth quarter to get him going.”

Lumapit naman si James kay Lakers le-gend Kobe Bryant para sa No. 3 scoring spot sa NBA history sa kanyang 33,599 points, 44 ang agwat sa retiradong superstar guard.

Malalampasan ni James si Bryant sa scoring list sa pagharap sa 76ers sa Philadelphia kung saan isinilang ang five-time NBA champion.

Pinamunuan naman ni Marcus Morris ang Knicks sa kanyang 20 points at may 17 markers si Damyean Dotson.

Sa New Orleans, giniba ng San Antonio Spurs ang Pelicans, 121-117, kung saan ginawa ni No. 1 overall pick Zion Williamson ang kanyang NBA debut.

Kumolekta si Williamson ng 17 points sa una niyang laro para sa New Orleans.

Sa Atlanta, iniskor ni Brandon Goodwin ang kabuuan niyang 19 points sa fourth quarter at na-kabawi ang Hawks mula sa 21-point deficit para talunin ang Los Angeles Clippers, 102-95.

Naglaro naman ang Clippers na wala sina starters Kawhi Leonard, Paul George at Patrick Beverly.

Sa Houston, naglista si Russell Westbrook ng 28 points, 16 rebounds at 8 assists habang may 17 markers si James Harden sa 121-105 paggupo ng Rockets sa Denver Nuggets.

Winakasan ng Houston ang kanilang four-game losing slump.

Binanderahan si Nikola Jokic ang Denver, may limang players kasama ang tatlong starters na nasa injury list, sa kanyang 19 points, 12  rebounds at 10 assists para sa pang-walo niyang triple-double sa season.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with