^

PM Sports

Malakas ang kutob ni Cone sa Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malakas ang pakiramdam ni head coach Tim Cone na muling papasok sa PBA Finals ang kanyang Barangay Ginebra para sa darating na 2020 Philippine Cup.

Sa nakaraang 2019 PBA Rookie Draft ay nahugot ng Gin Kings sina big man Arvin Tolentino (No. 10) sa first round, scoring guard Jerrick Balanza (No. 13) sa se-cond round at playmaker Kent Salado (No. 22) sa third round.

“I think we will have exciting rookies that are coming to the team and I think we will be a more complete all-Filipino team,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor.

Sa tatlo ay mas mabibigyan ng playing time ng Ginebra si Balanza, naging susi ng Letran Knights sa paggupo sa San Beda Red Lions para sa korona ng nakaraang NCAA season.

Inaasahang makakatulong ang 6-foot-2 na si Balanza, dating sumailalim sa operasyon para sa kanyang brain tumor, kina LA Tenorio, Stanley Pringle at Scottie Thompson sa backcourt ng Gin Kings.

Huling nanalo ng PBA Philippine Cup ang Ginebra noong 2007 sa ilalim ni dating head coach Jong Uichico.

“This is our chance. So hopefully, makuha namin. It’s not gonna be easy, pero nandiyan ‘yun. So kailangan lang ulit naming kunin,” wika ng 35-anyos na si Tenorio, hindi pa nagwawagi ng Philippine Cup bagama’t may lima nang PBA crowns.

Ang 2010 Fiesta Conference ang unang PBA title ni Tenorio para sa Alaska Aces kasunod ang mga korona ng Governors’ Cup noong 2016, 2017 at 2019 at ang 2019 Commissioner’s Cup para sa Gin Kings.

vuukle comment

2020 PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with